Roxas, ilalaglag sa Caloocan?
MANILA, Philippines – Posible anyang ilaglag si Liberal Party presidential bet Mar Roxas sa Caloocan City sa 2016 elections dahil si United Nationalist Alliance (UNA) bet Vice President Jejomar Binay ang dadalhin umano ni Mayor Oscar Malapitan.
Ito ang nabatid sa grupong binansagang STORM commandos ni Malapitan matapos magbuo ng partidong Tao ang Una sina Malapitan at kaalyadong Rep. Edgar Erice Erice.
Ayon kay Gilbert dela Cruz, officer-in-charge ng STORM commandos, walang kukuning boto si Roxas sa Caloocan dahil susundin nila umano ang matagal nang bilin ni Malapitan na gawing color coding si Binay sa nalalapit na halalan.
“Malinaw ang utos ni Malapitan na gawing ulo sa balota o color coding ng lahat ng tagasuporta ni Malapitan si Binay kaya tiyak na ilalampaso si Roxas sa 2016 elections,” ayon kay Dela Cruz na residente ng Nadurata St., 10th Ave., Caloocan.
Ibinunyag ni Dela Cruz na kahit ano ang gawin ni Erice, hindi niya mapipilit si Malapitan na ipanalo si Roxas sa Caloocan kahit binigyan pa ng LP presidential bet ng maraming proyekto ang alkalde noong ito ang kalihim ng DILG.
- Latest