^

Police Metro

Kawani sinilaban ng 7 katao

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isang kawani ng non-government organization (NGO) ang nasa kritikal na kalagayan matapos  itong tangkaing sunugin ng buhay ng 7 katao kahapon ng umaga sa Brgy. Buot, Cebu City.

Ang biktima ay kinilalang si Daniel Uy, 27, nagtamo ng 3rd degree burn  sa katawan at nilalapatan ng lunas sa Cebu City Medical Center.

Batay sa ulat ng pulisya, bago nangyari ang insidente dakong alas-9:00 ng umaga sa Sitio Lunas, Brgy. Buot ng lungsod ay nagtungo sa bulubunduking barangay sa lugar si Uy para makipagkoordinasyon sa eskuwelahan sa isasagawang feeding program ng kanilang NGO sa mga estudyante.

Habang naglalakad ang biktima  ay sinundan ito ng anim na lalaki at isang babae at binuhusan ng gasolina bago sinilaban.

Mabilis na nagsitakas ang mga suspek matapos na mamataan ang isang grupo ng mga magsasaka na palapit sa lugar.

Sinaklolohan ng mga magsasaka ang biktima at isinugod sa pagamutan.

Pinaghahanap ng mga otoridad ang pitong suspek para panagutin sa batas.

vuukle comment

ANG

BATAY

BRGY

BUOT

CEBU CITY

CEBU CITY MEDICAL CENTER

DANIEL UY

HABANG

ISANG

MABILIS

SITIO LUNAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with