^

Police Metro

DOLE: Tamang pasahod sa araw ng APEC

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines – Binigyang  diin ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang patakarang “no work, no pay” sa mga manggagawa sa pribadong sektor sa Nov. 18 at 19 na idineklarang special non-working day sa National Capital Region dahil sa gaganaping Asia-Pacific Economic Coo­peration (APEC) Leaders’ Meeting.

Sa ilalim ng Labor Advisory No. 14 na pirmado ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz, partikular na ipatutupad ang mga sumusunod na pamantayan para sa tamang pasahod sa mga manggagawa sa nabanggit na mga petsa.

Kung ang empleyado ay hindi nagtrabaho, ang “no work, no pay” na alituntunin ang dapat ipatupad, maliban na lamang kung may polisiya ang kompanya o collective bargaining agreement (CBA) na nagbibigay ng sahod para sa  special day.

Sakaling ang emple­yado ay nagtrabaho sa nasabing araw, makakatanggap ito ng karagdagang 30 porsiyento ng kanyang arawang sahod sa unang walong oras ng kanyang trabaho.

Para sa trabaho ng higit sa walong oras (overtime work), siya ay dapat bayaran ng karagdagang 30 porsiyento ng kanyang orasang kita sa nasabing araw at kung ang empleyado ay nagtrabaho sa nasabing araw at ito ay araw ng kanyang pahinga, dapat siyang bayaran ng karagdagang 50 porsiyento ng kanyang arawang kita sa unang walong oras habang  ang  sa mga  magtatrabahong higit sa walong oras para sa nasabing araw ay ito araw ng kanyang pahinga, dapat siyang bayaran ng karagdagang 30% ng kanyang kada oras na sahod sa nasabing araw.

ACIRC

ANG

ARAW

ASIA-PACIFIC ECONOMIC COO

BINIGYANG

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

KANYANG

LABOR ADVISORY NO

LABOR SECRETARY ROSALINDA BALDOZ

NATIONAL CAPITAL REGION

NBSP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with