^

Police Metro

Abu humingi ng P4-B ransom sa 4 Samal hostages

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Papatayin ng mga bandidong Abu Sayyaf Group ang apat na Samal hostages kabilang ang dalawang Canadian at isang Norwegian kapag hindi  naibigay ang tig $100-M ransom o katumbas na P 1 bilyon bawat isa kapalit ng kalayaan ng mga ito.

Ito ang banta ng mga bandido batay sa  90 se­cond clip video ng SITE Intelligence Group international na kung saan ay ipinakikita ang mga abductors na nakatayo habang nakatutok ang machete o matalim na itak sa leeg ng mga hostages na sina John Ridsdel at Robert Hall; pawang Canadian gayundin ang  nobyang Pinay ni Hall na si Maritess Flor at Norwegian na si Kjartan Sekkingstand.

“We’re being ransomed for each for one billion pesos. I appeal to the Canadian Prime Mi­nister and the people of Canada, please pay this ransom as soon as possible or our lives are in great danger,” pahayag ni Ridsdel sa nasabing video na bakas ang matin­ding trauma at pagmama­kaawa sa kanilang buhay.

Umapela rin sa nasabing video si Hall  na nakikiusap sa Canadian government at pamahalaan na tulungan sila na makalaya sa kamay ng kanilang mga abductors.

Sa pagtatapos ng nasabing  video ay isang nakamaskarang abductor na nakatayo sa likod ng dalawang Canadian ang nagsabing kapag hindi naibigay ang kanilang ransom demand ay papatayin nila ang mga hostages.

Sa likod ng mga kidnaper ay nakataas naman ang bandila ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) at ng mga Levant habang sumisigaw din ang mga ito ng Alahuh Akbar, ang battle cry ng mga bandidong Muslim.

Ang apat na hostages ay dinukot ng mga armadong kalalakihan, 11 sa mga ito ay nakunan pa ng video matapos salakayin ang Holiday Oceanview Resort  na pag-aari ni Sekkingstad sa Island Garden City of Samal sa Davao del Norte noong Setyembre 21 ng taong ito.

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

ACIRC

ALAHUH AKBAR

ANG

CANADIAN PRIME MI

HOLIDAY OCEANVIEW RESORT

INTELLIGENCE GROUP

ISLAMIC STATE OF IRAQ AND SYRIA

ISLAND GARDEN CITY OF SAMAL

JOHN RIDSDEL

MGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with