2 NBI-QC officials kulong ng 18 taon
MANILA, Philippines – Kapwa napatunayang nagkasala ng walang pag aalinlangan ang mga akusadong sina Ramil Rodriguez, OIC NBI-QC office at Elizabeth Sobrevilla Chief cashier sa kasong malversation at paglabag sa Republic Act No. 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) nang pagtibayin ng Ombudsman ang guilty verdict ni Judge Manuel Sta. Cruz, Jr., ng QC court na naglapat ng parusang hanggang 18 taong kulong.
Bukod sa kulong, inatasan din ang mga ito na magbayad ng multang P942,425.00 at pinagbabawalan na ring makapagtrabaho sa alinmang tanggapan ng gobyerno.
Batay sa record, noong 2006 ay nagsagawa ng surprise cash count ang NBI operatives sa naturang tanggapan at dito natuklasan na ang ilang booklets na ginamit para sa original receipts ay itinatago sa vault pero walang kaukulang cash payments.
- Latest