^

Police Metro

Iba pang ASEAN countries isama sa pagresolba sa isyu ng WPS-Tolentino

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines – Kinakailangang magkaroon ng “multi-lateral approach” sa isyu ng West Philippine Sea sa pagsasama sa usapan sa mga bansa na kaanib ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Ito ang iginiit kahapon ni senatorial candidate Atty. Francis Tolentino na nagtapos ng masteral degree sa Public International Law sa University of London.

Ayon  kay Tolentino na kailangang maisama rin ang iba pang bansa sa ASEAN sa pagresolba sa agawan ng Pilipinas at Tsina sa mga teritoryo sa West Philippine Sea magpalabas ng desisyon ang International Arbitral Tribunal sa Hague na pumapabor sa Pilipinas at ibinabasura naman ang ilang akusasyon ng Tsina.

Dito kinuwestiyon ng Pilipinas ang pag-angkin ng Tsina sa mga teritoryong sakop ng kanilang “exclusive economic zone (EEZ)”.

Inihalimbawa ni Tolentino ang naganap sa Europa kung saan nag-aagawan ang ilang bansa sa likas na yaman na “steel at coal”at sa pag-uusap ng anim na bansa sa Europa, nabuo ang European Community of Steel and Coal.

Hinamon rin ni Tolentino ang ibang mga kandidato sa darating na 2016 Elections na pag-usapan ang isyu ng West Philippine Sea at magkaroon dapat bawat isa ng paninindigan ukol dito.

vuukle comment

ANG

ASSOCIATION OF SOUTHEAST ASIAN NATIONS

EUROPEAN COMMUNITY OF STEEL AND COAL

FRANCIS TOLENTINO

INTERNATIONAL ARBITRAL TRIBUNAL

PILIPINAS

PUBLIC INTERNATIONAL LAW

TOLENTINO

TSINA

UNIVERSITY OF LONDON

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with