^

Police Metro

Imbestigasyon sa ‘pang-gulo’ sinimulan ng Comelec

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines – Ngayong linggo ay sisimulan na ng Commission on Elections (Comelec) ang pagdinig sa certificate of candidacy (CoC) ng mga posibleng nuisance candidates.

Sinabi ni Comelec Chairman Andres Bautista, pinadalhan na nila ng sulat ang mga kandidato para maimbestigahan kung sino ang mga seryoso dahil ilan sa mga presidential wannabe ay hindi naman talaga dumarating sa hearing, kagaya noong mga nakaraang halalan.

Anya, kung talagang  pursigido ang mga ito   na kumandidato ay ito na ang kanilang pagkakataon na ipagtanggol ang kanilang kandidatura at hindi sa  ibang forum na hindi sakop ng poll body.

Umapela  si Bautista sa mga kandidato na kung maaari ay dumating sa araw ng pagdinig upang agad na maresolba ang kanilang usapin.

Maaalala na sa pagtatapos ng filing ng CoC umabot sa 130 candidates ang naghain nang COC sa pagka-presidente.

ANG

ANYA

BAUTISTA

COMELEC

COMELEC CHAIRMAN ANDRES BAUTISTA

MAAALALA

MGA

NBSP

NGAYONG

SINABI

UMAPELA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with