^

Police Metro

Pension ng mga senior, ibigay! – VP Binay

Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines - Binanatan kahapon ng kampo ni Vice President Jejomar Binay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil sa kabiguan nitong ibigay ang pensyon ng may 55-libong senior citizens sa bansa.

Ayon kay Joe Salgado, head ng Office of the Vice President Media Affairs, hindi natanggap ang mga pensyon na umaabot sa P335-milyon noong 2014 ang may 55,496 indigent senior citizens sa Metro Manila, Bicol, Western Visayas, SOCCSKSARGEN at sa CARAGA.

Iginiit ni Salgado na ang kabiguan ng DSWD na ipamahagi ang nasabing pondo sa mga senior citizen ay kontra sa magandang layunin ng programang tinawag na Social Pension for Indigent Senior Citizens (SPISC) na tulungan ang mga elderly na mabigyan ng mas maayos na pamumuhay.

Sa 2014 report ng Commission on Audit sa DSWD, nabatid na 48 porsiyento ng mga benepisaryo ang hindi nakatanggap ng government assistance.

Nabatid sa ulat ng COA na mula sa 116, 637 SPISC beneficiaries, 55, 496 dito ang hindi naka-claim ng kanilang pension na nagkakahalaga ng P335.738 milyon.

Dahil dito, sinabi ni Salgado na nanawagan si VP Binay sa DSWD na ayusin ang kanilang sistema upang matiyak na hindi mawawala ang nasabing pondo at mapapabilis ang pagpapalabas ng cash grants sa mga senior citizen upang may pambili sila ng mga gamot, pagkain at pang-araw-araw na pangangailangan.

Binanggit din ng COA na bukod sa kabiguan ng DSWD na ipalabas ang pension ng mga seniors, maging ang cash grants ng mga beneficiaries ay naantala sa pag-i-isyu.

ANG

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

INDIGENT SENIOR CITIZENS

JOE SALGADO

METRO MANILA

MGA

OFFICE OF THE VICE PRESIDENT MEDIA AFFAIRS

SALGADO

SOCIAL PENSION

VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY

WESTERN VISAYAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with