^

Police Metro

Pambobomba sa sementeryo, nasilat

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nasilat ng tropa ng militar ang planong pambobomba ng mga bandidong Abu Sayyaf Group kasunod ng pagkakarekober sa isang bomba na itinanim sa semen­teryo sa bayan ng Jolo, Sulu nitong Sabado ng umaga.

Ayon kay Joint Task Group Sulu Commander Brig. Gen. Alan Arrojado, bandang alas-7 ng umaga habang nagsasagawa ng paneling sa Mount Carmel Cemetery ang mga tauhan ng Explosives and Ordinance Division at 2nd Marine Brigade nang matagpuan ang pampasabog.

Ito’y sa gitna na rin ng mahigpit na seguridad na ipinatutupad kaugnay ng paggunita sa Undas kung saan inaasahang dadagsa ang mga tao sa semen­teryo ngayong araw.

Nabatid na ang bomba ay inilagay sa isang bag na may 10-litro ng plastic na galon, may ammonium nitrate at cellphone detonator.

Napag-alaman din na ilang kahina-hinalang kala­lakihan ang nakita ng mga residente malapit sa lugar na tumatakbo palabas sa sementeryo.

Agad namang na-ide­tonate ang bomba dakong alas-8:20 ng umaga bago pa man ito sumabog at makapinsala.

Pinaniniwalaan namang target bombahin ng mga bandido ang paggunita sa Undas.

ABU SAYYAF GROUP

ACIRC

ALAN ARROJADO

ANG

AYON

EXPLOSIVES AND ORDINANCE DIVISION

ITO

JOINT TASK GROUP SULU COMMANDER BRIG

MARINE BRIGADE

MOUNT CARMEL CEMETERY

UNDAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with