^

Police Metro

100 pulis na ‘death squad’ ng INC pinabulaanan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Pinabulaanan kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ricardo Marquez  ang expose nang itiniwalag na opisyal ng Iglesia Ni Cristo (INC)  na si Lowell Menorca tungkol sa 100 pulis na nakatalaga sa loob ng  compound na umano ay death squad laban sa mga pasaway na opisyal at miyembro ng nasabing relihiyon.

Sinabi ni Marquez na ang mga tauhan mula sa Police Security Protection Group (PSPG) ang siyang in-charge sa pagbibigay ng security detail subali’t limitado lamang ito sa mga opis­yal ng gobyerno at mga VIP’s  na may mataas na banta sa kanilang buhay.

Una nang isiniwalat ni Menorca na dinukot umano siya at kaniyang misis  sa INC compound sa Quezon City ng ilang buwan kung saan ang mga pulis mismo ang nasa likod ng insidente.

Batay sa lumabas na ulat, hinikayat ng isang opisyal ng militar na tanggalin na ng PNP ang kanilang nasa 100 mga pulis na matagal ng naka-detail sa INC compound na umanoy kumukuha na ng utos hindi na sa PNP kundi sa liderato ng  nasabing relihiyon na nagsisilbi na umanong mga  private armies.

Tiniyak naman ni PNP Spokesman Chief Supt. Wilben Mayor na walang anumang sektor na maaa­ring makapag-impluwensya sa PNP sakaling magsimula na ang imbestigasyon sa kaso ni Menorca.

ACIRC

ANG

CHIEF DIRECTOR GENERAL RICARDO MARQUEZ

IGLESIA NI CRISTO

LOWELL MENORCA

MENORCA

MGA

NBSP

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

POLICE SECURITY PROTECTION GROUP

QUEZON CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with