May integridad na halalan panawagan ni Alunan
MANILA, Philippines - Nanawagan si dating Department of Interior and Local Government (DILG) secretary Rafael Alunan III sa sambayanang Pilipino na magkaisa upang matiyak ang malinis, mapayapa, maayos at may integridad na eleksiyon sa 2016.
Ayon kay Alunan, kumandidatong senador sa ilalim ng Bagumbayan Party, panahon na upang mamulat ang mamamayan na napakahalaga ng kanilang mga boto para magkaroon ng kredibilidad ang darating na eleksiyon upang hindi matulad sa mga halalan noong 2010 at 2013 na namaniobra umano ang resulta ng halalan.
Nanawagan din siya sa taumbayan na bantayan ang paggastos ng pamahalaan lalo sa calamity funds na maaaring magamit para paboran ang ilang kandidato ng administrasyon.
“Hopefully, ang calamity funds ng pamahalaang nasyonal at lokal ay hindi lang sapat para sa emergency response, rehabilitation at recovery, kundi may sobra pa para sa mga darating pang mga bagyo. Huwag sanang ma-divert ang pera sa politika,” dagdag ni Alunan.
- Latest