Bangkay na walang ulo nalambat sa dagat
MANILA, Philippines – Ganun na lamang ang pagkasindak ng mga mangingisda matapos mapagkamalang isang malaking isda ang nalambat nilang bangkay ng isang lalaki na walang ulo kamakalawa sa karagatan ng San Ramon, Zamboanga City.
Batay sa ulat ni Chief Inspector Rogelio Alabata, ng Police Regional Office (PRO) 9 ay kasalukuyang nangingisda dakong alas-11:00 ng umaga ang mga mangingisda nang malambat nila ang bangkay sa karagatan.
Nagresponde sa lugar ang mga elemento ng Philippine Coast Guard (PCG) at naiahon ang nasabing bangkay.
Ang bangkay ay nakasuot ng maong na pantalon at nakabalot ng lambat ang buong katawan na kasalukuyan pang inaalam ang pagkakakilanlan.
- Latest