2 police trainees todas sa heat stroke
MANILA, Philippines - Dalawang police scout trainess ang nasawi sa heat stroke habang nagsasagawa ng road run noong nakaraang linggo sa Santiago, Agusan Del Norte.
Sa nasabing insidente ay sinibak ang walong miyembro ng Regional Public Safety Battalion (RPSB) na pansamantalang hindi muna tinukoy ang pangalan habang patuloy ang imbestigasyon.
Na-confine muna sa Intensive Care Unit (ICU) ng MJ Santos Hospital noong Biyernes ng nakalipas na linggo kapwa dumanas ng heat stroke bago tuluyang nasawi sina PO1 Dan Angelo Manpatilan, 22, ng Butuan City at PO1 Ernesto Bajado Jr., 26, ng Prosperidad, Agusan del Sur.
Sa inisyal na imbestigasyon, kapwa hinimatay ang dalawang pulis na miyembro ng Police Regional Office (PRO) 13 habang sumasailalim ang mga ito sa Special Counter Insurgency Operation Unit Training (Scout ) Class 56-2015 sa Regional Special Training Unit (RSTU) 13 sa Brgy. Poblacion 2, Santiago, Agusan del Norte habang nagsasagawa ng road run kamakailan.
Sinibak ang 8 personnel ng RPSB na miyembro ng training staff at restricted ang mga ito sa Battalion Headquarters habang sumasailalim sa masusing imbestigasyon.
- Latest