Tattoo artist binoga sa mukha
MANILA, Philippines – Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang 22-anyos na tattoo artist matapos itong ratratin ng hindi kilalang lalaki sa Tondo, Maynila, kamakaalwa ng gabi.
Napuruhan sa ulo at mukha ang biktimang si Enrico Mangila, miyembro ng Sigue-Sigue Sputnik Gang at residente ng Building 15, Unit 20 sa temporary housing sa Tondo.
Sa ulat ni SPO2 Charles John Duran, dakong alas-11 ng gabi nang matagpuan ang duguang biktima sa panulukan ng Road 10 malapit sa nasabing lugar.
Isang kapitbahay lamang ang nakapagsabi sa ka-live-in ng biktima na nakitang duguan ang biktima kaya agad itong dinala sa Tondo Medical Center subalit hindi na uamabot ng buhay.
- Latest