^

Police Metro

Paglikha ng Department of Common Sense ni Mar nakakatawa

Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines – Pinagtawanan kahapon ng United Nationalist Alliance (UNA) ang  proposal ni  Mar Roxas sa paglikha ng Department of Common Sense na inilarawan na isang malaking ideya na hindi naman taglay ng dating kalihim ng DILG.

Ito ang inihayag ni UNA spokesman Mon Ilagan at hindi umano nila alam kung maiiyak sila o matatawa sa proposal ni Roxas na kahit pabiro ay masakit na biro sa sambayanan dahil ang common sense ay hindi common sa Liberal Party administration kung pagbabatayan ang track record nito noon siya pa ang pinuno ng DOTC.

Anya, saksi ang taumbayan kung paano patakbuhin noon ni Roxas ang DOTC na ang programa at polisiya ay wala namang sentido kumon.

“Ang tao na meron common sense ay hindi dapat pinapalitan ang isang  maintenance provider na may  international track record kesa sa bagong kumpanya na walang anumang  track record na pag-aari pa ng kasama sa partido na nagresulta ng pagkawala ng common sense at naging kalbaryo araw-araw sa mananakay ng MRT,” wika ni Ilagan.

Idinagdag pa ni Ilagan kung merong common sense si Roxas ay isa­santabi nito ang pulitika sa oras ng kalamidad para matulungan ang mga biktima na tulad sa nangyari sa Yolanda.

“Pinapipirma pa ng sulat ang LGU dahil Romualdez ang mayor at Aquino ang president at kung hindi gagawin, ‘bahala kayo sa buhay nyo’,” pagwawakas ni Ilagan.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANYA

AQUINO

DEPARTMENT OF COMMON SENSE

ILAGAN

LIBERAL PARTY

MAR ROXAS

MON ILAGAN

ROXAS

UNITED NATIONALIST ALLIANCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with