^

Police Metro

Villanueva nanalangin ng tagumpay sa pagtakbong Senador

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines – Pinangunahan kahapon ni dating TESDA director general at Koa­lisyon ng Daang Matuwid senatorial candidate Joel Villanueva sa pagdarasal kasama ang libu-libong miyembro ng Jesus is Lord (JIL) Church Worldwide para sa tagumpay ng kanilang grupo at pagtahak niya sa bagong yugto ng kanyang political career.

Nakiisa si Sec. Villa­nueva sa ika-37 taong ani­bersaryo ng JIL kahapon na ginanap sa Quirino Grandstand na dinaluhan ng mahigit 500,000 mi­yembro nito.

“The celebration’s theme, Declaring Victory, Exalting Jesus is an expression of faith for God who has done many wonders and miracles in our lives. We experience them in our personal journeys of faith, and it is just right to exalt and thank the source of all victories,” wika pa ni Villanueva.

Ipinagdasal din ng batang Villanueva na tulungan at gabayan ng Diyos ang mga biktima ng kalamidad tulad ng bagyong Lando sa Central Luzon at Northern Luzon.

Idinagdag pa ni Sec. Villanueva, ang desisyon niyang tumakbong senador sa 2016 ay gabay ng paborito niyang Bible verses na Jeremiah 29:11 na nagsasabing “For I know the plans I have for you, plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.”

Nagsimula bilang kongresista at kinatawan ng anti-corruption na Citizens Battle Against Corruption (CIBAC) si Villanueva sa loob ng 9 na taon bago itinalaga ni Pangulong Benigno Aquino III bilang TESDA director-general.

ACIRC

CENTRAL LUZON

CHURCH WORLDWIDE

CITIZENS BATTLE AGAINST CORRUPTION

DAANG MATUWID

DECLARING VICTORY

EXALTING JESUS

FOR I

JOEL VILLANUEVA

NORTHERN LUZON

VILLANUEVA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with