^

Police Metro

Capiz gov, anak guilty sa grave misconduct

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Matapos mapatuna­yang guilty sa kasong grave misconduct ay pinasisibak ni  Ombudsman Conchita Carpio Morales sa tungkulin si Capiz governor Victor Tanco, Sr. at anak nitong Vladimir Tanco na kanyang security officer.

Bukod sa pagkasibak sa serbisyo ay hindi na rin pinapayagan na humawak ng anumang posisyon sa gobyerno, kanselado ang eligibility at hindi tatanggap ng retirement benefits.

Nakakita din ng probable cause ang Ombudsman para kasuhan ang mag-ama ng paglabag sa Republic Act No. 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act)  nang mangotong ng P3 milyon mula sa isang contractor.

Nabatid na ang mag-ama ay nagsabwatan sa paghingi at pagtanggap ng P3 milyon mula sa isang Leodegario Labao, Jr. ng Kirskat Venture (Kirskat),  contractor ng P32.9 milyong  Mambusao District Hospital project.

 Ayon kay Labao  noong September 19, 2011, duma­ting sa kanyang opisina si Vladimir na pinapunta ng kanyang amang si  Gov. Tanco para kunin ang P3 milyon kapalit ng mabilis na pagpapalabas ng bayad ng lokal na pamahalaan sa naturang proyekto at kung hindi umano maibibigay ang hinihingi ay gagawing blacklisted ang Kirskat.

Hindi naman pinaniwalaan ng Ombudsman ang alibi ng mag-ama na utang ang naturang pondo dahil sa mga naipakitang ebedensiya ng complainant na nagtuturo sa pagkikil ng mag-ama sa kumpanya.

ACIRC

ANG

ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT

KIRSKAT

KIRSKAT VENTURE

LEODEGARIO LABAO

MAMBUSAO DISTRICT HOSPITAL

NBSP

OMBUDSMAN CONCHITA CARPIO MORALES

REPUBLIC ACT NO

VICTOR TANCO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with