Joy of Public Service katuwang ni SB sa libreng edukasyon
MANILA, Philippines - Muling pinasigla kahapon ng tanggapan ni QC Vice Mayor Joy Belmonte ang programang libreng pag-aaral para sa mga kapuspalad na mag-aaral ng lungsod sa ilalim ng Joy of Public Service Program katulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at tangapan ni House Speaker Sonny Belmonte.
Target ng naturang programa na mabigyan ng libreng pag-aaral ang may mahigit 400 mag-aaral mula sa district 1 hanggang district 6 ng QC para makapagtapos ng 2 year course sa college.
Magkatuwang ang mag-amang Belmonte sa pagtataguyod sa proyekto upang mabigyang pagkakataon ang mga kabataan ng lungsod na makapagtapos sa pag-aaral at ang natapos na kurso ay magagamit sa kanilang pag-unlad sa buhay.
Ang mag amang Belmonte ay nagkaloob din ng libreng edukasyon para sa 4 year course sa college katuwang naman ang Commission on Higher Education (CHED) kung saan ang bawat mag-aaral na benepisyaryo ng proyekto ay tatanggap ng minimum na P3,000 financial assistance kada semester at may maximum na P12,000 financial assistance depende sa kursong kukunin.
- Latest