Anak ni Jawo makakalabas ng kulungan
MANILA, Philippines - Makakalabas na sa kulungan ang anak ni dating PBA legend at Senador Robert Jaworski matapos na irekomenda ng Makati City Prosecutors Office ng tig P120,000 piyansa sa bawat kasong isinampa dito matapos makipagbarilan sa mga pulis habang aarestuhin sa isang buy-bust gun running operation noong Setyembre.
Batay sa 3-pahinang resolution ng Makati City Prosecutor’s Office, ay nakakita sila ng probable cause laban kay Ryan Jaworski hinggil sa mga kasong kinakaharap nito, ang 4 counts attempted murder at paglabag sa Section 28, Republic Act 10591 (Illegal Possession of Fire Arms) kaya’t inirekomenda ang P120,000 sa bawat isang kaso.
Kasama ni Ryan ang kasabwat at driver nitong si Joselito Au, na nahaharap din ng kapareho ding mga kaso.
Ang kaso namang paglabag sa Section 3, Republic Act 10591 (Selling and Direct Assault upon an agent of person in authority), na kinakaharap pa rin ng batang Jaworski ay binasura naman ng piskalya.
Binasura rin ng piskalya ang kontra kaso na isinampa ng batang Jaworski laban sa mga pulis na frustrated murder sa ilalim ng Article 250 in relation to Article 6 (Planting of Evidence).
- Latest