^

Police Metro

130 presidential bets magiging 5 na lang

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Magiging lima na lamang ang presidential candidates mula sa 130 na naghain ng  certificate of candidacy sa Commission on Elections (Comelec) para sa 2016 elections.
Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, mula sa mga naghain na 130 ay isasailalim nila ang 125 na kandidato sa serye ng hearings para malaman at mapagdesisyunan kung puwede silang tumakbo sa susunod na taon.

Inihain mismo ng Comelec Law Department ang disqualification case laban sa 125 candidates na naghain ng CoC mula October 12 hanggang 16.

Kapag hindi lulusot sa hearing ng Comelec ang mga kandidato ay agad silang idedeklara bilang nuisance candidates.

Sa ngayon ay sina Vice President Jejomar Binay, Senator Grace Poe, Senator Miriam Defensor Santiago at Manuel Roxas II ang nangunguna sa mga presidential bets.

Bukod dito ay bubusisiin din ng Comelec ang CoC ng 19 kandidato sa pagka-bise presidente habang 172 sa pagka-senador at ilalabas ang buong listahan ng lehitimong kandidato ay sa Disyembre 10.

ANG

AYON

BUKOD

COMELEC

COMELEC LAW DEPARTMENT

COMELEC SPOKESMAN JAMES JIMENEZ

DISYEMBRE

MANUEL ROXAS

SENATOR GRACE POE

SENATOR MIRIAM DEFENSOR SANTIAGO

VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with