Sa kasong plunder... litis kay GMA, pinatigil ng SC
MANILA, Philippines - Nagpalabas ang Supreme Court (SC) ng status quo ante order upang ipatigil ang paglilitis ng plunder case sa Sandiganbayan bilang tugon sa kahilingan ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga 2nd District Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.
Sa resolusyon ng SC ay ipinatitigil ng 30 araw ang pag-usad ng kaso kaya’t inatasan din ng SC ang Sandiganbayan First Division na magbigay ng komento sa petisyon na inihain ng kampo ni Arroyo.
Una rito, sa 115-page petition ng kampo ni Arroyo, hiniling nilang baliktarin ang final ruling ng anti-graft court noong Pebrero na nagbabasura sa bail motion nito sa P366 milyon Philippine Charity Sweepstakes Office fund anomaly.
Nabatid na ang mga kapwa akusado ni Arroyo ay una nang nakalabas ng piitan matapos payagang makapaglagak ng piyansa.
- Latest