Leni tumbok ang pulso ng masa
MANILA, Philippines - Itinuturing ni Liberal Party vice presidential candidate Leni Robredo na malaking bentahe ang kanyang malawak na karanasan sa lokal na pamahalaan na siyang nagbigay sa kanya ng pagkakataong makihalubilo at alamin ang pangangailangan ng masang Pilipino.
Idinagdag pa ni Robredo na matagal siyang nagtrabaho sa non-government organization na nakikilahok sa basehang sector at sa mahihirap kaya alam niya ang pulso at pangangailangan ng masa.
“Palagay ko I will be a good match to Secretary Mar Roxas, kasi ang puso talaga sa grassroots nandoon. Ito iyong puso na borne out of my long years of experience working with them. Palagay ko iyon ang nagbibigay ng lalim,” wika ni Robredo.
Alam naman ni Robredo na may bentahe ang kanyang mga katunggali pagdating sa karanasan sa national elections ngunit ito’y babawiin niya sa sipag sa pangangampanya.
- Latest