^

Police Metro

Ex-Sarangani gob at agriculturist kulong ng 18 taon sa graft

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Labingwalong taon na pagkabilanggo ang inihatol ng Sandiganbayan laban sa dating governor at dating agriculturist ng Sarangani province na napatunayang guilty sa kasong malversation of public funds na may kinalaman sa implementasyon sa P1.44-milyong halaga ng relief program para sa mga magsasaka noong 2001.

Sa 23 pahinang ru­ling na ipinalabas ng Sandiganbayan Special Third Division, si dating Sarangani governor Miguel Escobar at ex-provincial agriculturist Romeo Miole ay napatuna­yang nag-divert ng naturang halaga ng mga  agricultural relief items na laan sana sa mga magsasaka na biktima ng La Niña sa mga political supporters ng akusado.

Pinagmumulta rin ng graft court sina Escobar at Miole ng halagang  P1.44 milyon bawat isa kaugnay ng kaso at pinagbawalan ng pumuwesto sa anumang tanggapan ng gobyerno.

Sa rekord, naglunsad ang Saranggani provincial government ng Sagip Taniman Program noong 2001 para mabigyan ng sako ng bigas at buto ng mais ang mga magsasaka sa lalawigan na nabiktima ng La Niña.

Sa mga papeles, nakasaad na may 1,875 sako ng bigas at 240 sako ng hybrid corn at rice seeds ang naipamahagi sa mga magsasaka sa lalawigan at ilang miyembro ng indigenous tribes doon.

Pero noong 2002, ilang tribal leaders at mga magsasaka ang humingi ng tulong sa provincial government  at nagsabing  hindi pa nila natatanggap ang sinasabing ayuda mula nang wasakin ng La Niña phenomenon ang kanilang pananim.

Nag-imbestiga ang  Commission on Audit sa Sagip Taniman Program at dito napatunayan na may anomalya sa natu­rang programa.

 

ACIRC

ANG

ATILDE

ESCOBAR

LA NI

MGA

MIGUEL ESCOBAR

ROMEO MIOLE

SAGIP TANIMAN PROGRAM

SANDIGANBAYAN SPECIAL THIRD DIVISION

SARANGANI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with