^

Police Metro

Coed, 2 pa todas sa bangga

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang estudyante ng Lyceum of the Philippines University (LPU) sa Cavite na sakay ng kotse at magkapatid na  lulan ng motorsiklo ang nasawi nang sila ay magsalpukan kamakalawa sa kahabaan ng Aguinaldo Highway, Brgy. Biga 2, Silang, Cavite.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Abigail Castrence, driver ng kotse na Toyota Vios Sedan (XSJ-194), estudyante ng LPU, residente ng Dasmariñas, Cavite, at ang magkapatid na sakay ng motorsiklo na sina Sonny Boy Austria 33, driver at ang kapatid nitong angkas na si Jay Austria.

Malubhang nasugatan ang angkas ni Abigail na kapatid nito na si Mary Grace Castrence at Princess Arica Preclarto, residente ng Brgy. Hugo Perez Trece Martirez City, Cavite.

Batay sa ulat, alas 6:00 ng umaga ay binabagtas ng magkapatid na sakay ng motorsiklo ang nasabing highway patungo sa south direction nang masalpok ang kotse ni Abigail.

Sa lakas ng impact ay kapwa tumilapon ang magkapatid na Austria habang ang kotse naman ni Abigail ay sumalpok sa poste na ikinaipit nito.

Nabatid na dahil sa kalakasan ng bagyong Lando ay  hindi masyadong makita ang daanan at madulas pa ang kalsada na naging umano dahilan ng salpukan.

ABIGAIL CASTRENCE

AGUINALDO HIGHWAY

ANG

BRGY

CAVITE

HUGO PEREZ TRECE MARTIREZ CITY

JAY AUSTRIA

LYCEUM OF THE PHILIPPINES UNIVERSITY

MARY GRACE CASTRENCE

PRINCESS ARICA PRECLARTO

SONNY BOY AUSTRIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with