^

Police Metro

Libong katao sa Northern Luzon inilikas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ipinag-utos ng Natio­nal Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang paglikas sa libong katao  sa Northern Luzon sa mga lugar na apektado ng pagtama ng  bagyong Lando.

Ito ang sinabi ni  NDRRMC Executive Director Alexander Pama kaugnay ng banta ng malawakang flashflood at landslide sa mga mababang lugar  na babayuhin ng bagyo na may dalang malalakas na pag-ulan at ihip ng hangin.

Ang bagyong Lando ay inaasahang tatama sa kalupaan ng Aurora o Isabela sa Sabado ng gabi o linggo ng madaling araw.

Sa kasalukuyan ay nasa red alert status ang NDRRMC at mga rehiyonal na tanggapan nito sa mga lugar na apektado ng pagtama ng bagyong Lando partikular na sa Northern Luzon.

Nagbabala rin si Pama sa matataas na alon na posibleng umabot ng 14 metro o 46 talampakan  kaya ipinagbaba­wal muna sa mga sasakyang pandagat ang pagpalalayag sa  halos kalahati ng karagatang nasasakupan ng bansa mula Northern, Central at Southern Luzon.

Nabatid na nagsimula na ang preemptive evacuation nitong Sabado sa Baler, Aurora kung saan libu-libong katao na naninirahan sa mga peligrosong lugar sa mga mga mababa, tabing dagat, ilog at maging sa mga landslide prone area  ang inilikas habang papalapit na ang bagyong Lando.

ACIRC

ANG

DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

EXECUTIVE DIRECTOR ALEXANDER PAMA

IPINAG

LANDO

MGA

NBSP

NORTHERN LUZON

SABADO

SOUTHERN LUZON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with