^

Police Metro

Seafarers nag-protesta laban sa MARINA

Pang-masa

MANILA, Philippines –  Nagsagawa ng isang kilos protesta ang nasa 2,000 miyembro ng United Filipino Seafarers sa harap ng tanggapan ng Maritime Industry Authority (MARINA) sa Taft Avenue, Manila upang iparating ang kanilang hinanakit sa mali umanong pamamalakad.

Sinabi ni Susan “Toots” Ople, chairperson ng OFW Advocates Coalition, na nangakong dadalhin niya sa Senado ang problema ng mga marino kung hindi ito madadala sa pananawagan upang sa ganun ay maimbestigahan ang mga umano’y anomalya na nagpapahirap sa mga marino.

Nag-ugat ang kilos protesta dahil sa pagpapatupad ng MARINA sa mahabang Management Level Course na hindi naman naaayon sa IMO STCW Convention.

Ayon kay Engr. Nelson Ramirez, ang salitang Management Level Course ay inimbento lang ng MARINA dahil hindi naman ito nababasa sa IMO STCW Convention 2010 Manila Amendments. 

Kinondena ng UFS ang 90% passing average sa limang competency sa OIC Level at mahigit sampung competency sa Management Level at ang sobrang taas umano ng passing percentage na ito ay ngayon lang nangyari sa kasaysayan ng mga Pilipino at hindi rin ito ginagawa sa ibang propesyon. 

Binatikos din ng UFS ang pagpakuha ulit ng licensure examination sa mga opisyales ng barko kung hindi nila nagamit ang kanilang lisensiya.

ADVOCATES COALITION

ANG

AYON

BINATIKOS

MANAGEMENT LEVEL

MANAGEMENT LEVEL COURSE

MANILA AMENDMENTS

MARITIME INDUSTRY AUTHORITY

NELSON RAMIREZ

TAFT AVENUE

UNITED FILIPINO SEAFARERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with