^

Police Metro

Sigla ng Caloocan ibabalik ko! - Recom

Pang-masa

MANILA, Philippines – Dahil pinabayaan at hindi man lang kinalinga ng kasalukuyang liderato ang Caloocan City ay nais muli ni  Caloocan City 1st District Congressman Atty. Enrico “Recom” Echiverri na ibalik ang sigla ng lungsod sa muling niyang pagtakbo bilang alkalke ng lungsod sa darating na May 2016 election.

Kasama ni Echiverri sa paghahain ng kanyang kandidatura kahapon ang buong line-up niya sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition (NPC) matapos kumalas sa Li­beral Party.

Sinabi ng nagbabalik na alkalde, na kulang na kulang sa ngayon ang pagtutok ng kasalukuyang pamunuan sa pagbibigay ng de kalibreng  health services, livelihood opportunities, trabaho at konsultasyon sa bawat komunidad.

Ipinagmalaki pa nito na sa kanyang siyam na taong panunungkulan bilang alkalde ng lungsod ay halos 95 porsiyento ng mga kalsada sa buong Caloocan City ang kanyang naipagawa bukod pa sa mga kilo-kilometro kanal habang libu-libong residente rin ang nabigyan nito ng maayos na proyektong pang-kalusugan at magandang trabaho.

Bukod sa kilo-kilo­metrong kalsada na kanyang napagawa, nagdagsaan din ng sangkatutak na health centers, covered courts, school buildings at multi-purpose building na ngayon ay pinakikinabangan ng mga taga-Caloocan.

Sa hinaing ng mga residente, tanging ang pagpapatayo ng mga bagong gusali ang pinagkakaabalahan ng kasalukuyang administrasyon kaya’t napabayaan na nito ang pagbibigay ng napakahalagang basic services.

ACIRC

ANG

BUKOD

CALOOCAN

CALOOCAN CITY

DAHIL

DISTRICT CONGRESSMAN ATTY

ECHIVERRI

ENRICO

IPINAGMALAKI

NATIONALIST PEOPLE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with