^

Police Metro

Kinidnap na mayor pinalaya na

Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinalaya na ng mga bandidong Abu Sayyaf Group kahapon ng umaga ang dinukot na Mayora ng Naga, Zamboanga Sibugay na mahigit anim na buwan na naging bihag sa isang lugar  sa  Sulu.

Batay sa ulat na nakarating kay Brig. Gen. Allan Arrojado, Commander ng Joint Task Group (JTG) Sulu, bandang alas-6:50 ng umaga nang ihatid si Naga Ma­yor Gemma Adana ng mga matatandang relihiyoso at lokal na opis­yal ng munisipalidad ng ba­yan ng Indanan sa bahay ni Sulu Gov. Abdusakur  Tan Jr.

Kasalukuyan  namang inaalam ng militar  kung may kapalit na ransom ang paglaya ni Adana.

Nabatid na napilitan umano ang mga kidna­per mula sa Abu Sayyaf Group (ASG) na pawalan si Adana  dahilan sa ma­tinding ‘military pressure’ ng tropa ng pamahalaan.

Magugunita na si A­dana ay kinidnap ng mga armadong kalalakihan sa bahay  nito sa Brgy. Taytay Manubo sa Naga, Zamboanga Sibugay noong nakaraang Abril 6 ng taong ito.- Joy Cantos, Rho­derick Beñez

ABU SAYYAF GROUP

ACIRC

ADANA

ALLAN ARROJADO

GEMMA ADANA

JOINT TASK GROUP

JOY CANTOS

NAGA MA

NBSP

SHY

ZAMBOANGA SIBUGAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with