^

Police Metro

Metro Manila Vice Mayors suportado si Tolentino sa pagka-Senador

Pang-masa

MANILA, Philippines - Suportado ng Metro Manila Vice Mayors ang pagtakbo bilang senador ni dating MMDA Chairman Francis Tolentino sa 2016.

Sa isang resolusyon na pirmado ng 17 vice mayors ng Metro Manila ay binanggit nila kung paano nagpakita ng liderato at commitment sa paglilingkod sa bayan sa pamamagitan ng mga programa na nagpataas ng kalidad ng pamumuhay sa Kamaynilaan si Tolentino.

Kabilang dito ang pagbuhay sa Pasig River Ferry system,pagpapatupad ng single traffic  ticketing system at paglalagay ng Southwest Integrated Bus Terminal.

Binanggit din ng konseho ang pagsasagawa ng MMDA ng sabayang #MMShakeDrill noong July 30 na nakakalap ng 6.5 milyong kalahok at 2.1-billion impressions o views sa social media.

“Di matatawaran ang pinakitang kasipagan ni Chairman Tolentino sa limang taon niya sa MMDA. ’Di naging mahirap para sa amin  na humingi ng tulong dahil alam naming 24/7 handa siya at ang MMDA na rumesponde,” wika ni Las Piñas Vice Mayor Luis Bustamante.

Masaya namang tinanggap ni Tolentino ang endorsement at pinasalamatan ang vice mayors at mayors sa kanilang suporta at koo­perasyon.

Ang resolution ay pirmado nina vice mayors Macario Asistio III (Caloocan), Luis Bustamante (Las Piñas), Jose Fabian Cadiz (Marikina), Leonardo Magpantay (Makati),Jeannie Sandoval (Malabon), Edward Bartolome (Mandalu­yong), Francisco Domagoso (Manila),Artemio Simundac (Muntinlupa), Clint Nicolas Geronimo (Navotas), Iyo Christian Bernardo (Pasig), Marlon Pesebre (Pasay), Gerald German (Pateros), Ma. Josefina Ali­murung (Quezon City), Franciso Javier Zamora (San Juan), Jose Enrico Golez (Parañaque), Ricardo Cruz (Taguig) at Eric Martines (Valenzuela).

ACIRC

ANG

ARTEMIO SIMUNDAC

ATILDE

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

CHAIRMAN TOLENTINO

CLINT NICOLAS GERONIMO

EDWARD BARTOLOME

ERIC MARTINES

FRANCISCO DOMAGOSO

LAS PI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with