^

Police Metro

3 patay, 56 missing kay Kabayan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tatlo ang naiulat na nasawi habang 56 ang nawawala nang manalasa ang bagyong Kabayan sa Luzon.

Ayon sa  ulat ng Office of Civil Defense (OCD) sa Luzon na kahapon ay nadagdagan sa talaan ng mga nasawi ang biktimang si Artemio Quintero ng Infanta, Pangasinan na natagpuan na ang bangkay dakong alas-7:00 ng gabi kamakalawa na una nang napaulat na ito ay nawawala sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyo noong nakalipas na linggo.

Una nang namatay ang dalawang biktima na sina Samuel Corcoro, 29 ng Maria Aurora, Aurora  na nalunod at Raquel Camilo, 57 ng Bongabon, Nueva Ecija na natuklaw naman ng ahas na dala ng agos ng tubig baha.

Samantala, mula sa mahigit 100 na nawawalang ma­ngingisda  ay nasa 56 na lamang ang pinaghahanap.

Kabilang dito ay ang mahigit 30 mangingisda na mula sa Pangasinan, 19 pasahero ng pampasaherong bangka  at iba pa.

Sa kabuuang 39 bangkang pangisda at pampasahero na lumubog sanhi ng malakas na alon na dulot ni Kabayan   na may 215 tripulante ay nasa 158 ang nasagip.

Patuloy na ginagalugad ng rescue team ng Philippine Navy katuwang Philippine Coast Guard ang karagatan sa Luzon sa posibilidad na may masagip pa sa mga nawawala.

 

ANG

ARTEMIO QUINTERO

KABAYAN

LUZON

MARIA AURORA

NBSP

NUEVA ECIJA

OFFICE OF CIVIL DEFENSE

PANGASINAN

PHILIPPINE COAST GUARD

PHILIPPINE NAVY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with