^

Police Metro

Lady solon, local officials sinuspinde ng Sandiganbayan

Angie dela Cruz, Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dahil sa kasong graft na may kinalaman sa maano­malyang pagbili ng medical supplies, fogging chemicals at mga computers ay sinuspinde ng Sandiganbayan si Zamboanga del Sur Representative Aurora Enerio-Cerilles gayundin ang iba pang lokal na opisyal.

Bukod kay Cerilles ay sinuspinde rin sina  Mayor Monico Puentevella  ng  Bacolod City; Mayor Pepito Reyes ng Perez, Quezon at Vice-Mayor Dante Garcia ng  Tubao, La Union.

Magugunita na si Cerilles  ay kinasuhan sa Sandiganbayan dahil sa maanomalyang pagbili ng umanoy overpriced medical supplies noong 2001 na may halagang P7 milyon.

Ang kaso naman ni Puentevella ay may kinalaman sa maanomalyang paggamit ng kanyang  Priority Development Assistance Fund na may halagang  P26 milyon para ipambili ng overpriced computer packages para sa mga  public schools sa Bacolod City.

Ang  computer package ay nabili ng  P400,000.00 halaga bawat isa.

Si Reyes naman ay nagkakaso nang payagan ang kanyang kapatid na mag operate ng sabungan habang si Garcia ay nagkakaso nang magkaroon umano ng anomalya sa pagbili ng mga umano’y  overpriced fogging chemicals at chlorine nang walang ginawang public bidding. 

Pinatawan ng 90 araw na suspension sina Puentevella, Reyes, at Garcia  habang si Cerilles ay 60 araw na suspendido sa posisyon.

ANG

BACOLOD CITY

CERILLES

GARCIA

LA UNION

MAYOR MONICO PUENTEVELLA

MAYOR PEPITO REYES

NBSP

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

PUENTEVELLA

SANDIGANBAYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with