Bus bombing: 18 sugatan
MANILA, Philippines - Umaabot sa labingwalo-katao ang iniulat na nasugatan kabilang ang dalawang nasa kritikal na kondisyon matapos na pasabugin ang pampasaherong bus sa bayan ng Polomolok, South Cotabato kahapon ng tangali.
Sa ulat na nakarating kay South Cotabato Provincial Director P/Senior Supt. Jose Briones na isinumite sa Camp Crame, nasa 18 na ang sugatang isinugod sa iba’t-ibang pagamutan sa pagsabog na naganap dakong alas-12 ng tanghali.
Kabilang sa mga nasugatan ay limang bata, isa rito ay isang linggong gulang na sanggol na isinugod sa isang pagamutan sa General Santos City. Samantala, ang iba pa sa mga biktima ay ginagamot sa St. Elizabeth Hospital at General Santos City Doctors Hospital. Ayon kay Briones, ang bus na patungong General Santos City mula sa Koronadal City ay sinasabing pansamantalang huminto sa bayan ng Polomolok nang maganap ang pagsabog. Sa inisyal na imbestigasyon, ang improvised explosive device (IED) na ginamit ay iniwan ng hindi pa nakilalang lalaki sa Yellow Bus Line sa mga bagahe sa may ulunan ng mga pasahero.
- Latest