^

Police Metro

Ex-LTO Chief Torres sa Hacienda Luisita, binubusisi na ng DAR

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Binubusisi na ng pamunuan ng Department  of Agrarian Reform (DAR) ang kontrobersiyal na ulat kaugnay sa sinasabing  pag-upa  ng lupain ni dating LTO Chief Virginia Torres sa Hacienda Luisita.

Ayon kay DAR Asst. Secretary  Justin Vincent La Chica, mali at ipinagbabawal ng ahensiya sa mga beneficiaries ng Hacienda Luisita na ipagamit o paupahan sa iba  ang  mga lupaing ibi­nigay sa kanila sa ilalim ng Comprehensive Agra­rian Reform Program.

Sinabi ni La Chica, kung sakaling  mapatunayan sa imbestigasyon na pinagamit kay Torres ang nasabing lupain, agad silang aapela para  kanselahin sa beneficiaries ang lupang ibinigay sa kanila ng DAR.

Sa ngayon ay hindi pa nila alam kung may lupa ngang  inuupahan si Torres sa Hacienda Luisita at malalaman lamang nila ito kapag panahon na ng pag-aani ng tubo dahil sa panahong iyon makikita nila kung sino ang mga namuhunan doon.

Samantala, sinabi ni Sugar Regulatory Admi­nistration administrator Regina Martin, sa kanilang pagkakaalam umaabot sa 120 hectares ang sinasabing inuupahan ni Torres sa Hacienda Luisita.

Pero nagpapatuloy din umano ang kanilang imbestigasyon kung tunay ngang  inuupahan ito ni Torres o pumasok ito sa isang joint venture.

Kinumpirma naman ni Martin na may permit si Torres para makipag trade ng domestic sugar pero wala silang pinapayagan na mag -angkat ng asukal.

ACIRC

AGRARIAN REFORM

ANG

CHIEF VIRGINIA TORRES

COMPREHENSIVE AGRA

HACIENDA LUISITA

JUSTIN VINCENT LA CHICA

LA CHICA

NBSP

REFORM PROGRAM

REGINA MARTIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with