^

Police Metro

Exclusive lanes sa APEC Summit inihahanda na - Tolentino

Pang-masa

MANILA, Philippines – Inihayag ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino na puspusan na ang kanilang paghahanda para sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit.

Isa na rito ang paglalagay ng APEC lanes, na eksklusibong gagamitin ng mga delegado ng Summit, kabilang ang 21 world leaders.

Ang APEC lanes sa EDSA ay ang dalawang inner lanes mula sa Shaw Boulevard sa Mandaluyong City hanggang sa Mall of Asia sa Pasay City, northbound at southbound. Gagamit ng plastic barricades para sa designated lanes na gagamitin ng APEC delegates mula November 18-19.

Idinagdag pa ni Tolentino na nasa 2,500 MMDA personnel ang ipakakalat upang matiyak ang kaligtasan ng mga delegado at tiyakin ang maayos na trapiko sa mga rutang gagamitin ng APEC delegates.

Bukod dito ay tiniyak ni Tolentino na  matatapos na ng  Department of Public Works and Highways ang pagsasaayos ng Ayala Bridge pagsapit ng November 15 habang ititigil ang konstruksyon ng Skyway 3 at NAIA elevated expressway sa kabuuan ng Summit.

ANG

ASIA-PACIFIC ECONOMIC COOPERATION

AYALA BRIDGE

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

MALL OF ASIA

MANDALUYONG CITY

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

PASAY CITY

SHAW BOULEVARD

TOLENTINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with