BJMP binalaan sa VIP treatment vs Reyes bro-thers
MANILA, Philippines - Nagbabala si Interior and Local Government Secretary Mel Senen Sarmiento sa mga opisyal ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) laban sa pagbibigay ng ‘special treatment’ kina dating Palawan Gov. Joel Reyes at kapatid nitong si dating Coron, Mayor Mario Reyes.
Personal na inatasan ni Sarmiento si Chief Supt. Billy Mamaril, Officer–in-Charge ng BJMP na tiyakin na hindi mabibigyan ng ‘special treatment’ ang Reyes brothers na ngayon ay nasa Puerto Princesa City Jail.
Ang Reyes brothers na dumating sa bansa noong Setyembre 25 ay nahaharap sa kasong murder sa pagpatay sa environmentalist at broadcaster na si Gerardo Ortega noong Enero 24, 2011.
Kamakalawa ay sinibak sa puwesto si Sr. Inspector Don Paredes, warden ng Puerto Princesa City Jail matapos na umano’y pahintulutan ang Reyes brothers na magdaos ng press conference sa pasilidad ng bilangguan.
- Latest