^

Police Metro

Hospital arrest ng Reyes brothers kokontrahin

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines – Magiging matibay ang paninindigan ng Department of Justice sa pagkontra sa napaulat na hospital arrest na posibleng ihirit ng magkapatid na sina dating Palawan governor Joel Reyes dating  Coron mayor Mario Reyes.

Ayon kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte, bagaman at dapat hayaan sa korte ang pagpapasya ay tiyak na magiging matibay ang paninindigan sa isyu ni Justice Secretary Leila de Lima.

“Tingin ko magiging matibay o… Secretary (Leila) de Lima will have a strong position on that and hayaan na lang po nating mag-decide ang ating Justice department, lalo na ho Palawan RTC (regional trial court) ang may jurisdiction na po doon sa magkapatid na Reyes,” ani Valte.

Tiyak din aniyang magko-komento sa sinsasabing hospital arrest ang prosekusyon lalo pa’t buhay turista naman ang magkapatid noong sila ay nasa Thailand na kapwa nahaharap sa kasong pagpatay sa environmentalist na si Gerry Ortega noong 2011.

“Certainly, the prosecutors will have something to say about their proposed motion to file for hospital arrest, dahil alam naman po natin na bago po sila [umuwi] very recently ay parang mga turista po ang kanilang pamumuhay doon sa Thailand,” dagdag pa ni Valte.

Bagaman nakatakas palabas ng bansa, ang Reyes brothers ay nadakip naman ito sa Thailand.

ABIGAIL VALTE

ACIRC

ANG

DEPARTMENT OF JUSTICE

GERRY ORTEGA

JOEL REYES

JUSTICE SECRETARY LEILA

MARIO REYES

MIMAROPA

PALAWAN

REYES

VALTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with