Kidnap victims nasa Sulu na - Duterte
MANILA, Philippines – Posibleng nasa kamay na ng mga bandidong Abu Sayyaf Group ang 4 na dinukot sa isang resort sa Island Garden City of Samal matapos ihayag ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na ito ay nadala na sa Sulu.
Ayon kay Duterte sa isang television interview base umano sa intelligence report na kaniyang natanggap na ang mga bihag na sina Norwegian Kjartan Sekkingstad, 56; Canadian na sina John Ridsdel, 68 at Robert Hall, 50 at ang Pinay na si Maritess Flor noong Huwebes ay dumaong sa Glan, Sarangani na lumipat umano sa isang mas malaki at mabilis na bangkang de motor at anim na oras lang ang ibiniyahe patungo sa Sulu.
Nang hingan naman ng reaksyon, sinabi ni AFP Spokesman Col. Restituto Padilla na kasalukuyan pa nilang isinasailalim sa masusing beripikasyon ang intelligence report na napasakamay ni Duterte.
Sa kasalukuyan, patuloy ang isinasagawang search and rescue operations ng security forces upang mailigtas ang mga bihag.
Samantalang wala pa ring demand na ipinararating ang mga kidnaper kapalit ng pagpapalaya sa mga bihag na binihag noong Setyembre 21 ng gabi matapos salakayin ng 20 armadong kalalakihan ang Holiday Oceanview Resort na pag-aari ng Norwegian.
- Latest