LP tuloy ang pag-nominate ng ka-tandem ni Mar
MANILA, Philippines – Kinumpirma kahapon ni Senate President Franklin Drilon na tuloy na sa Miyerkules, Setyembre 30 ang pagno-nomina ng magiging running mate ni Secretary Mar Roxas na pambato ng Liberal Party sa pagka-presidente sa eleksiyon sa susunod na taon.
Bukod sa pagno-nomina ng kanilang vice presidential candidate ay ihahayag na rin ang mga kandidato sa pagka-senador.
Kasama sa listahan sina LP senators Ralph Recto, Teofisto “TG” Guingona, dating senator Francis “Kiko” Pangilinan at Secretary Leila De Lima at kung hindi umano nila makukumpleto ang listahan ng 12 kandidato kahit pa 15 na ang kanilang nasa shortlist ay kukumpletuhin nila ito bago ang deadline ng paghahain ng certificate of candidacy.
Patuloy ang pakikipag-usap ng LP kay Congresswoman Leni Robredo na nais ni Pangulong Benigno Aquino III na maging runningmate ni Roxas.
- Latest