15 banyaga naaresto sa droga
MANILA, Philippines – Naaktuhan ng mga otoridad ang 15 dayuhan na pawang Singaporean at Hong Kong national na kinabibilangan ng mga lalaki at babae na gumagamit ng droga nang salakayin ang KTV bar kahapon ng madaling araw sa Pasay City.
Bago ang pagsalakay sa 66KTV Bar na matatagpuan sa Avia International Club, Manlunas St., New Port, dakong ala-1:00 ng madaling araw ng puwersa ng NBI at Anti-Illegal Drugs ng Pasay City Police ay nakatanggap ng intelligence report ang mga otoridad hinggil sa illegal na gawain ng mga banyaga.
Naabutan at naaktuhan ng mga mga otoridad ang mga suspek na nag-pa-pot-session sa loob ng VIP room kasama ang ilang mga Guest Relation Officer (GRO) gamit ang party drugs at cocaine.
Sasampahan ang mga ito ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Dangerous Drugs Act.
- Latest