^

Police Metro

Sigalot nag-uumpisa na... MMDA constable ginulpi ng HPG

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakatakdangmagsampa ng kaso ang legal department ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) laban sa dalawang pulis na ang isa ay miyembro ng Highway Patrol Group (HPG) matapos na gulpihin ng mga ito ang isang traffic constable sa EDSA kamakailan.

Sa sinumpaang-salaysay ni Traffic Auxiliary Leon Trinidad, kinilala nito ang HPG na si Police Sr.  Insp. Maranion at hindi nakila­lang tauhan nito na nanggulpi sa kanya noong nakaraang Setyembre 22 dakong alas-7:00 ng gabi sa may U-turn slot ng Quezon Avenue.

Ayon kay Trinidad na nakapuwesto siya sa may Quezon Avenue U-turn slot nang sunduin ng isang pulis-HPG upang maghatid ng mga driver’s license kay Traffic Constable Baldomero Capulo, Jr., para maisyuhan ng tiket sa may Quezon Avenue at pagkatapos ay muli itong bumalik sa puwesto.

Dakong alas- 8:30 ng gabi nang puntahan siya ng isang Mark Nicolas at hinahanap sa kanya ang kanyang lisensya na itinanggi ni Trinidad na hawak niya ito.

Ilang sandali ay dumating sina Maranion at dalawang kasamahang pulis at pinipilit na kunin sa kanya ang lisensya ni Nicolas.

Walang sabi-sabing hinampas siya ng helmet sa dibdib ng isang pulis habang sinipa siya sa binti ni Maranion at hinampas pa ng radyo.

Pinakilos na ni MMDA Asst. General Manager for Operations Emerson Carlos ang kanilang legal department para magsampa ng kaukulang kaso laban sa miyembro ng HPG at kasama nito.

ANG

GENERAL MANAGER

HIGHWAY PATROL GROUP

MARANION

MARK NICOLAS

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

OPERATIONS EMERSON CARLOS

POLICE SR.

QUEZON AVENUE

QUEZON AVENUE U

TRAFFIC AUXILIARY LEON TRINIDAD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with