^

Police Metro

Mar nakahabol ... Poe, Binay nagtabla - SWS

Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines – Lalong uminit ang karera pampanguluhan sa bagong resulta ng pre-election survey ng Social Weather Stations o SWS.

Sa survey na pinondohan ng pahayagang Business World na sumakop ng 1,200 respondents na ginanap noong Setyembre 2 hanggang Setyembre 5, ay tinanong ang mga na-survey kung sino ang iboboto nila para maging pangulo kung sakaling yung araw na ring yun ang halalan.

Pinapili ang mga res­pondent mula sa listahang may 12 pangalan.

Nasa 26% ang pumili kay Senador Grace Poe, habang 24% ang pumili kay Vice President Jejomar Binay at 20% naman ang pumili kay Mar Roxas, ang pambato ng Aquino administration.

Dahil may palugit sa pagkakamali ang survey na ‘di bababa at ‘di hihigit sa 3%, tinawag na “statistical tie” o halos tabla ng mga political analyst ang resulta ng survey.

Malaki ang inangat ng rating si Roxas na sa hu­ling survey ay nakakuha ng 10%.

Ibig sabihin nito ay sa loob ng tatlong buwan lamang ay dumoble agad ang mga numero nito, pagkatapos endorsohin ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino bilang personal niyang pambato at kandidato.

Ikinatuwa rin ni Atty. Rico Quicho, vice presidential spokesperson ang resulta ng panibagong SWS survey na lalong nagbigay ng inspirasyon sa Bise Presidente para lalong pagbutihin ang trabaho at hindi masyadong mag-overconfident.

Nagpapasalamat din si Binay sa mga tao na sumusuporta at patuloy na nagtitiwala at na­ngako na pagbubutihin ang pagtatrabaho para abutin pa ang mga mara­ming botante sa abot ng kanyang makakaya.

ACIRC

ANG

AQUINO

BISE PRESIDENTE

BUSINESS WORLD

MAR ROXAS

PANGULONG BENIGNO

RICO QUICHO

SENADOR GRACE POE

SETYEMBRE

SOCIAL WEATHER STATIONS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with