^

Police Metro

Poe hindi natural born citizen - SC

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines – “Hindi natural born citizen si Senator Grace Poe at sa halip  ito ay naturalized Filipino  citizen”.

Ito ang binigyan diin ni  Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio sa isinagawang  oral arguments kaugnay ng petition na isinumite ng natalong 2013 senatorial candidate na  si Rizalito David sa Senate Electoral Tribunal.

Batay sa petisyon ni  David, dapat lamang na madiskuwalipika si Poe sa ilalim ng Section 3, Article VI  ng  1987 Philippine Constitution  dahil nakasaad na kailangang natural-born citizen ang isang kandidato.

Sa pagsasagawa ng  interpellation, sinabi ni  Carpio na  maaaring  gawin ang  customary international law  hangga’t walang nalalabag na probisyon sa  Constitution.

Sinabi rin ni Poblador na sinimulan na ang DNA Testing para matukoy kung sino ang posibleng biological parents o mga magulang ng senadora na ilalahad nila sa SET ang resulta ng DNA testing sa oras na ito ay lumabas.

Ipinaliwanag  ni Carpio, pinuno ng SET, na kapag nagkaroon ng match sa DNA testing, ito ay ituturing na conclusive presumption sa ilalim ng rules of court.

Tiniyak ni Poblador na maaaring sa loob ng dalawang linggo o mas maaga pa ay magkaroon na ng resulta ang DNA testing at anuman ang detalye nito ay mismong si Poe na umano ang maglalahad.

vuukle comment

ANG

BATAY

CARPIO

IPINALIWANAG

NBSP

PHILIPPINE CONSTITUTION

POBLADOR

RIZALITO DAVID

SENATE ELECTORAL TRIBUNAL

SENATOR GRACE POE

SUPREME COURT ASSOCIATE JUSTICE ANTONIO CARPIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with