Kabataan at masang Pilipino, ang pipili ng bagong Pangulo
MANILA, Philippines - Batid ni dating Interior and Local Government secretary Rafael M. Alunan III na ang mga kabataan at masang Pilipino ang masusunod sa pagtitiwala kung sino ang dapat maluklok sa Malakanyang.
Inihalintulad niya ang pagpili ng bagong Pangulo sa pagkuha ng Chief Executive Officer ng isang kompanya na ang mga board member ng kompanya ay ang pipili ng matino at mahusay na magpapatakbo ng kanilang kompanya.
Idiniin ni Alunan na tanging ang mga kabataan pa rin at masa na kabilang sa D at E classes ang maghahalal ng susunod na Pangulo.
Naniniwala pa rin si Alunan na nananatiling nahahati, naguguluhan, walang tiwala at walang interes ang mamamayang Pilipino hinggil dito.
“Kagaya ng iginigiit ng marketing experts, hindi sapat ang advertising at promosyon sa puntong ito. Mahirap tulungang umangat ang isang masamang produkto sa merkado. Palaging aangat ang mahusay na produkto,” wika ni Alunan.
- Latest