Pagudpud niyanig ng lindol
MANILA, Philippines – Niyanig ng magnitude 3.6 na lindol ang bahagi ng Pagudpud sa Ilocos Norte kahapon ng tanghali. Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naramdaman ang pagyanig sa may 21 kilometro sa hilagang silangan ng Pagudpud bandang alas-12:14 ng tanghali. Wala namang inasahang sumunod na aftershocks matapos ang pagyanig. Nauna rito, bandang alas-5:31 ng madaling araw nang ugain ng magnitude 3.0 ang Cauayan City sa Isabela. Naramdaman ang pagyanig sa may 042 kilometro sa hilagang kanluran ng nasabing lugar. Tectonic plates ang origin nito at wala namang iniulat na sumunod na aftershocks.
- Latest