^

Police Metro

MMDA at HPG nagsanib sa pagmamando sa EDSA

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines – Magsasanib puwersa na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at  Philippine National Police- Highway Patrol Group  (PNP-HPG) sa magmamando ng trapiko sa kahabaan ng Edsa Avenue.

Ito ay bilang kahilingan ng HPG sa pamunuan ng MMDA, kaya magkakasama at magtutulungan na sila sa pagmamando ng trapiko sa Edsa partikular sa tinukoy na anim na major chokepoints.

Kabilang sa mga tinukoy na  major chokepoints ay ang Balintawak, Cubao, Ortigas, Shaw Boulevard, Guadalupe at ang Taft Avenue.

Sa kabila nito ay  wala namang magbabago  sa oras ng duty ng mga enforcer ng MMDA kung saan bandang alas-6 ng umaga ang simula ng duty kung saan hinati sa tatlong shift.

Unang shift ay mula alas-6 ng umaga  hanggang alas-2 ng hapon habang ang pangalawang shift ay mula alas-2 ng hapon hanggang alas-10 ng gabi at ang third shift ay mula alas-10 ng gabi hanggang alas-6 ng umaga.

Subalit magkakaroon ng adjustment kung saan gagawing alas-5 ng madaling araw na ang duty ng MMDA.

vuukle comment

ALAS

ANG

BALINTAWAK

CUBAO

EDSA AVENUE

HIGHWAY PATROL GROUP

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NBSP

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SHAW BOULEVARD

TAFT AVENUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with