Trike driver dedo, lady trader kritikal sa pamamaril
MANILA, Philippines - Isang tricycle driver ang nasawi habang malubhang nasugatan ang isang negosyanteng babae sa naganap na pamamaril kahapon sa Antipolo City, Rizal.
Nasawi noon din ang biktimang si Orly Majadas, 33, na nagtamo ng dalawang tama ng bala sa katawan.
Agaw buhay sa ospital ang biktimang si Marinel Gonzaga, 38.
Hindi pa kilala ang gunman na kaswal lang naglakad sa pagtakas matapos ang pamamaril.
Batay sa ulat, dakong alas-8:45 ng gabi ay minamaneho ni Majadas ang kanyang Kawasaki tricycle (WR 9316) at pagtapat sa isang botika sa kahabaan ng Olalia Road sa gate 2 ng Cogeo sa Barangay Sta. Cruz ay biglang sumulpot ang suspek at walang salitang pinagbabaril si Majadas at isang bala ay tumama kay Gonzaga na sakay sa ibang tricycle.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng pamamaril kay Majadas.
- Latest