^

Police Metro

Anak ng mga barangay officials bawal sa SK

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakapasa ang panukalang batas na naglalayong nagbabawal o hindi puwedeng tumakbo sa Sangguniang Kabataan ang anak ng isang barangay chairman at kagawad.

Ayon kay Senador Bam Aquino nauna nang pumasa sa Senado ang SK Reform Bill na mayroong apat na malaking pagbabago, kabilang ang anti-dynasty provision, pagpapataas sa edad ng SK officers, mandatory leadership training at paglikha ng local youth development councils.

Sa Senate version ay  ipinagbabawal ang mga kamag-anak ng nahalal at nahirang na opisyal na umupo bilang SK hanggang sa second level of consanguinity.

Itinaas na rin ng SK Reform Bill ang age limit ng SK officials mula 15-17 patungong 18-24 years old, upang maging legal ang pagpasok nila sa mga kontrata at mapapanagot sa kanilang aksiyon.

Kapag naisabatas,obligado rin ang SK officials na sumailalim sa leadership training programs na magagamit nila sa pagtupad sa tungkulin.

Ang SK Reform Bill ay pumasa rin sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara.

vuukle comment

ANG

AYON

ITINAAS

KAMARA

KAPAG

NAKAPASA

REFORM BILL

SA SENATE

SANGGUNIANG KABATAAN

SENADO

SENADOR BAM AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with