^

Police Metro

Pasyenteng sanggol patay sa pagsalpok ng ambulansya

Francis Elevado - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na nagawang makarating sa ospital ang isang ambulansiya na may pasyenteng sanggol matapos na sumalpok ito sa isang puno ng Narra kamakalawa sa Purok 1, Brgy Lugui, Labo, Camarines Norte.

Ang sanggol na bagong silang ay nakilalang si Nathan Marquez.

Batay sa ulat, bago nangyari ang aksidente dakong alas-12:45 ng madaling araw sa nasabing lugar ay isinugod ng magulang na sina Noel Marquez, 34 at Gerlie, 29; kasama ang dalawang iba pa at sumakay ng ambulansiya (SKY-737) na minamaneho ni Pedrito Baratita, 47 para madala ang sanggol sa ospital dahil sa nahihirapan sa paghinga.

Mabilis na binabagtas ang lugar patungo sana sa Camarines Norte Provincial Hospital at pagsapit sa isang kurbadang daan ay nahagip nito ang isang malaking bato na dahilan upang mawalan ng kontrol ang ambulansiya at tuloy tuloy na sumalpok sa puno ng Narra na kung saan nasawi ang sanggol habang ang mga kasama sa ambulansiya ay nagtamo ng galos sa ibat ibang parte ng katawan.

ANG

BATAY

BRGY LUGUI

CAMARINES NORTE

CAMARINES NORTE PROVINCIAL HOSPITAL

GERLIE

LABO

MABILIS

NATHAN MARQUEZ

NOEL MARQUEZ

PEDRITO BARATITA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with