Abogado na babaero, dinisbar
MANILA, Philippines - Pinatawan ng disbarment ng Supreme Court ang isang abogado na napatunayang nambababae.
Batay sa unanimous decision ng SC ay inaprubahan ang rekomendasyon ng IBP Board of Governors laban kay Atty. Ian Raymond Pangalangan na napatunayang guilty sa gross immorality at paglabag sa Section 2, Article 15 ng 1987 Constitution na tumutukoy sa kahalagahan ng kasal.
Nag-ugat ang kaso sa inihaing reklamo ni Atty. Roy Ecraela noong 2007 kung saan sinabi nito na mula 1990 hanggang 2004, papalit o kung minsan pa ay pinagsasabay-sabay ni Pangalangan ang pakikipagrelasyon sa mga babae na ang ilan pa nga ay kasal o may-asawa.
Kasama umano sa mga nakarelasyon ng inireklamong abogado ay ang asawa mismo ni Ecraela. Mismong si Pangalangan ay mayroon din umanong asawa na maituturing na malpractice gross misconduct at gross immorality na paglabag sa Lawyer’s Oath.
Kaya’t iniutos ng Korte Suprema na alisin sa Roll of Attorneys ang pangalan ni Pangalangan.
- Latest