^

Police Metro

Si Mercado ang dapat kasuhan ng plunder

Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi umano dapat kasuhan ng bagong plunder case na isinampa ni Atty. Renato Bondal laban kay Vice President Jejomar Binay kundi ang kakampi nitong si da­ting Makati Vice Mayor Ernesto Mercado.

Ito ang sinabi ni Atty. Rico Quicho, Vice Presidential spokesperson for political affairs dahil si Mercado ang naging ka-transaksyon ng pamilya Chong sa isyu ng “Meriras property”.

Ayon kay  Quicho na ang huling plunder case ay may kaugnayan sa “Meriras property” at ang nasa rekord na ang lote ay pag-aari ng pamilya-Chong habang ang pagpapaayos at pagpapaganda nito ay sa Meriras Corporation na inamin ni Mercado na isa siya sa part owner.

Dagdag pa ni Quicho na napatunayan at idineklara ng Office of the Ombudsman at Department of Environment and Natural resources na ang pagtutuos (acquisition) sa lote ng Meriras ay balido at legal, ng nakalipas pang mahigit isang dekada na taliwas sa alegasyon ni Bondal na nagkaroon ng illegal na paggamit sa pampublikong lupain.

Sa testimonya ng pamil­ya Chong sa mga pagdinig ng Senate Blue Ribbon Subcommittee, inamin nilang eksklusibo silang nakipag-usap kay Mercado kaugnay sa Meriras Property at ni minsan ay wala silang na­ging transaksyon sa Bise Presidente.

Nabatid na kinilala mismo ni Mercado sa pagdinig sa Senado na lehitimong mga negosyante ang mga Chong.

Nakalulungkot, anya na madamay ang mga Chong sa demolition job laban sa Bise Presidente at tinatrato sila na parang mga kriminal dahil lamang sa pakikipag-deal kay Mercado.

Anya, kilala sina Bondal at Mercado na mga walang kapagurang pasimuno ng akusasyon at pagsasampa ng kasong gawa-gawa lamang laban kay Binay at kanyang pamilya upang tuluyang masira sa publiko.

Ang pagsasampa ng panibagong plunder laban sa Bise Presidente ay isa na namang malinaw na panggigipit at bahagi ng pagsisikap ng mga kalaban nito ibagsak ito sa ratings para sa 2016 elections.

ACIRC

ANG

BISE PRESIDENTE

BONDAL

CHONG

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL

MAKATI VICE MAYOR ERNESTO MERCADO

MERCADO

MERIRAS

MERIRAS CORPORATION

MERIRAS PROPERTY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with